Maximum tolerance sa anti-ML

MAGPAPATUPAD ng maximum tolerance sa mga lalahok sa kilos- protesta ngayong araw sa paggunita ng pagdedeklara ng martial law noong panahon ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos.

“Well, maximum tolerance palagi ang nakasaad sa batas at iyan naman po ang sinusunod ni Presidente, whether or not there is a law. But more so, since there is a law, wala naman pong makakareklamo kay Presidente na balat-sibuyas si Presidente – hinayaan niya, kinikilala niya ang importansiya ng malayang pananalita,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakatakdang gunitain ngayong araw ang ika-46 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar.

“So, we will give maximum tolerance to everyone, because after all the President was not the one who declared martial law in September 21 many years ago,” paliwanag niya.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na “managinip na lamang ang mga nais magpabagsak sa pamahalaan ni Duterte.”

“It’s not anything that the state cannot deal with. Dream on to those who want to remove the President,” aniya.

Read more...