Maine gumawa muli ng bagong record; sumabak na rin sa taping ng Daddy’s Girl


SWAK na swak kay Maine Mendoza ang ginawa niyang lipstick shade para sa Mac Cosmetics.

Ayon sa Instagram ng global brand ng cosmetics kaugnay ng bago nitong shade, “Maine drew from retro fantasies to create her limited-edition lipstick: a mted peachy beige shade with a Matte finish.”

Take note, si Meng mismo ang nag-design sa exclusive kiss-print packaging!

Magiging available na ito sa Friday, Sept. 21, sa on line shopping na Lazada at sa SM Malls sa Sept. 22.

Dahil si Maine lang ang unang Pinay na magkaroon ng lipstick collaboration sa MAC Cosmetics, isang history na itong maituturing. Isa siya sa napiling global influencers na lumipad sa Toronto, Canada para gawin ang sariling lippie shade.

“Feel surreal to be chosen as one of the influencers and to be the first Filipina to have a lipstick collab with MAC,” saad ng Phenomenal Star.

Anyway nitong nakaraang mga araw, nag-taping na si Meng para sa pilot episode ng bago niyang sitcom with Vic Sotto and Wally Bayola. Kung hindi na magbabago ang plano, ang magiging title nito ay Daddy’s Girl kung saan kasama rin sa cast sina Oyo Soto at Angelika dela Cruz mula sa direksyon ni Chris Martinez.

Read more...