Mr. Politician afraid sa kakalat na picture

By Den Macaranas September 19,2018
share this

Mr. Politician afraid sa kakalat na picture

By Den Macaranas September 19,2018
share this

BUSY ang mga tauhan ng Philippine National Police sa paghahanda ng isang espasyo sa loob ng PNP custodial center sa Camp Crame.

Posible raw kasi na sa susunod na mga araw ay mayroong “VIP” na madagdag sa loob bilang bagong boarder.

Nang makarating ito sa impormasyon ng isang sikat na politiko ay mas lalo raw itong napraning, ayon sa ating Cricket.

Halos oras-oras ay nakikipag-ugnayan ito sa kanyang mga asset para alamin kung ano ang latest sa galaw ng mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon.

Naghigpit rin ito ng seguridad bilang paghahanda na madadala siya sa PNP custodial center nang ligtas kung sakaling matuloy na nga ang pag-aresto sa kanya.

Sinabi ng ating Cricket na ayaw mangyari ni Mr. Politician ay iyong makunan siya ng larawan na nakaposas o kaya naman ay binibitbit ng mga alagad ng batas.

Kung posible raw ay mas gusto niyang magpunta na lamang ng personal sa custodial center nang walang media coverage.

Nagmarka kasi nang husto lalo na sa social media ang paraan na ginawang paghuli sa kanya ng PNP ilang taon na ang nakalilipas.

Para kasi siyang bata na binitbit ng mga pulis malapit sa pundilyo ng kanyang pantalon at para sa kanya ay nakakahiya ang nasabing imahe.

Kahit hindi niya aminin ay sinabi ng mga malalapit kay Mr. Politician na apektado siya sa larawang iyon na madalas gamitin ng mga kaaway niya sa politika.

Ang politiko na bida sa ating kwento ngayong araw ay hindi na nangangailangan ng clue.

Siya lang naman ang nag-iisang politiko na naghihintay na lamang ng aaresto sa kanya kaya siya’y nagkukulong sa kanyang opisina. In short, kilala n’yo na siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending