BF takot magpakasal

By Beth Viaje September 19,2018
share this

BF takot magpakasal

By Beth Viaje September 19,2018
share this

DEAR Ateng Beth,

Anong gagawin ko, Ateng Beth, dito sa pinasok kong relasyon? Anim na taon na kami ng boyfriend ko, may dalawang anak, pero di ko pa rin makita ang future ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako niyayayang pakasal. Single naman po siya, pero sa anim na taon naming pagsasama ay hindi niya man lang ako natanong kung gusto kong magpakasal.

Tinatanong na rin ako ng mga magulang ko at maging ng mga magulang niya kung kailan daw naming gagawing legal ang pagsasama namin.

Matagal na nga kaming nagsasama pero di ako magkalakas ng loob na magsabi o magtanong sa kanya tungkol dito. Baka kasi matakot at iwan ako.

Ganyan din kasi ang sitwasyon nila ng kanyang ex bago kami naging kami. Tumakas po siya sa kasal nila. Tawagin na lang po ninyo akong si Miss. Ken ng Pampanga.

Miss Ken

Hello, Miss Ken.

Susme! Imbes na ako ang tanungin mo, sana lang naman ay ‘yung tatay ng mga anak mo ang tinanong mo dahil tiyak diretso ang isasagot niya sa iyo.

Hindi ko naman alam kung ano’ng hinihintay mo at kung bakit ka naghihintay sa isang bagay na gusto mo rin naman.

Wag ka ma-offend, Miss Ken ha, pero ‘yung naghihintay lang kasi ng grandiose o simpleng marriage proposal sa mga BF nila ay ‘yung mag-BF/GF na hindi pa nagsasama.

Kapag nagsasama na kayo, lalo’t may mga anak na kayo, siyempre alam n’yo na gusto ninyong magsama for keeps. So kung naiinip ka na, nagwa-wonder o gusto mo lang mapalagay ang kalooban ng mga magulang nyo, e di yayain mo na si BF na magpakasal. Hindi ka nga nahiyang dalahin sa katawan mo yung anak niya, ‘yung pa bang yayain siya na selyuhan ang pagsasama ninyo ay katatakutan mo pa?

Siguro naman sa six years na pagsasama ninyo, nakita na ninyo ang mga hinahanap n’yo at alam na rin ninyo ang mga expectations ninyo sa isa’t isa.

Natanong mo ba siya bakit hindi natuloy ang pagpapakasal niya doon sa dapat ay pinakasalan niya noon?

Ngayon kung takot nga sya sa commitment ng kasal, tulad ng sabi mo, either you go out of the relationship or makuntento ka na lang sa present situation ninyo. Desisyon mo pa rin yan.

Kung talagang ayaw niya magpakasal, aayaw ka na rin ba? o maghahanap ka na ng iba na pwede kang pakasalan?

Mag-usap kayo, kasama mga magulang ninyo and arrive sa isang sitwasyon na a-agree kayong lahat at mas makikinabang ang mga bagets.

May problema ka ba sa puso, relasyon sa asawa, anak, pamilya, kaibigan o katrabaho? Aba’y i-text na iyan sa 09156414963 o sa 09275373810 at tiyak na may sey diyan si Ateng Beth.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending