Ariella Arida walang lovelife: Matagal na akong single!


BALIK-ABS-CBN ang dating beauty queen na si Ariella Arida. Kasama siya sa cast ng bagong daytime drama series na PlayHouse na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Naging part si Ariella ng game show na Kapamilya Deal or No Deal for almost two years. After nito, napanood na siya bilang isa sa co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowin ng GMA.

“Nagkaroon kasi ako ng call kung gusto ko ng hosting (job). So, tinanggap ko and parang two years din ako doon,” pahayag ni Ariella.

Bago pa man mawala sa show ni Willie, samu’t sari na ang isyung lumalabas tungkol kay Ariella pati na ang iba pa niyang kasamahan sa programa gaya nina Donita Nose at Tekla. Hanggang sa pagkawala nila sa show ay may mga naglabasan din na isyu.

“Ah, kasi, alam ninyo naman si Kuya (Will) nagpapalit talaga siya ng host kung mapapansin n’yo po. Pero I’m so super happy with the whole production lalo na kay Kuya Will. Siguro sa time management din po na parang, kaya nagpaalam po ako kung pwede kong gawin ‘yung something.”

Sa pagbabalik niya sa ABS-CBN, susubukan naman niyang pasukin ang pag-arte, “Hindi naman po ako kontrabida sa show. I’m a supportive friend ni Z (Zanjoe).”

Wala rin daw love triangle sa kanila nina Zanjoe at Angelica, “Kasi ako talaga, parang friend and business partner ni Z sa show. Siguro depende na lang sa tao how are they gonna perceive my role sa series.”

Then, kinumusta namin ang kanyang lovelife, “Ayun, wala. Ha-hahaha! Matagal na akong single.”

Ang alam namin naging girlfriend siya ng football player na si Simone Rota, “Ay, matagal na po ‘yun. Everything is good naman. We’re in good terms.”

Gaya ng tema ng PlayHouse about second chance, possible din kaya ‘to sa kanila ni Simone? “I’m not closing any doors. Malay mo, ‘di ba? Sabi nga nila, may second chance sa tao. Naniniwala ako sa second chance and the fact that we’re good friends now, why not?”

Read more...