ISANG mapangahas at bigating kuwento ang handog ng GMA ngayong darating na Oktubre, ang Asawa Ko, Karibal Ko.
Siguradong isa na naman ito sa mga proyekto ng Kapuso Network na hindi palalampasin ng mga manunuod lalo pa’t makikita rito ang tapatan ng dalawang mahuhusay na aktres na sina Kris Bernal at Thea Tolentino para mabihag ang puso ng nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz. Kasama nila ang isa pang magaling na aktor na si Jason Abalos.
Kabilang din sa cast ng pinakabagong Afternoon Prime series ng GMA sina Lotlot de Leon, Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Devon Seron, Anna Baro at Matthias Rhoads.
Tungkol nga kaya saan ang kuwento ng Asawa Ko, Karibal Ko? Intruiging, di ba?
q q q
Mas lalo namang pinaiinit nina Jean Garcia at Valerie Concepcion ang mga hapon ng Kapuso viewers lalo pa ngayo’t nagsimula na ang kanilang iringan mula nang mahuli ni Kelly (Gelli de Belen) ang pagtataksil nina Clarisse (Valerie) at Randy (Neil Ryan Sese) at sabihin ito kay Louisa (Jean).
Lalo pa itong naging complicated nang mamatay ang bunsong anak ni Louisa dahil sa pagkalunod. Excited na ang fans sa mga susunod pang kaganapan sa GMA Afternoon Prime dahil ngayon, mas naiintindihan nila kung bakit ito raw ang titulo ng programa.
Unti-unti ay nakukuha na rin daw nila ang mensahe ng programa. Pero dahil nag-uumpisa pa lang, inaasahan din ng mga viewers ang mas matitinding mga eksena lalo na kapag nagpakita na sina Jake Vargas, Inah de Belen at Jeric Gonzales.
Napapanood ang Ika-5 Utos tuwing hapon sa GMA after Eat Bulaga.