Horoscope, September 19, 2018 | Bandera

Horoscope, September 19, 2018

Madam Sophia |September 19,2018
facebook
share this

Horoscope, September 19, 2018

Madam Sophia - September 19, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isa ka sa mga pinakamasuwerteng nilalang, lalo kung iiwasang ang kalokohan at kaimoralan. Marami kasing reserbang kalokohan sa isip mo, pero kung susupilin ito ay lalo kang susuwertehin sa pinansyal. Sa pag-ibig, kung “stick to one” ay tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at kaligayahan. Mapalad ang 1, 8, 27, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Yellow at gray ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ituloy mo lang ang kasalukuyang diskarte. Kapag nahawi na ang mga problema, malaking income ang makakamit. Sa pag-ibig, giniginaw ang kasuyo, kailangan niya ng mainit na yakap. Mapalad ang 7, 18, 21, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 3, 6, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel, Hagiel.” Pink at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mag-ingat sa mga taong pandak na mataba. Siya ang mangungutang sa iyo ng wala ng bayaran. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagtitiwala sa kasuyong slim lang ang pangangatawan. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Durate-Rebus.” Lilac at gold ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Pag-aahente ang iyong tadhana. Magbenta nang magbenta ng kahit na ano, mararamdaman mo mga isang taon mo lang magawa iyan, mayamang-mayaman ka na. Sa pag-ibig, ialok ang dalisay na pag-ibig sa isang Libra – siya ang magpapaligaya sa iyo ng pang habang buhay. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag maging mapagkunwari, at kung itatago mo ang iyong damdamin, paano ka magiging maligaya? Anuman ang iyong nadarama, ipakita mo agad. Sa pinansyal, minsan ay hindi masamang maging prangka upang kumita ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 7, 16, 31,33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om.” White at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag susuko, sapagkat sa kabila ng madilim na ulap, laging sumisikat ang araw. Ganyan ang magiging buhay mo, kahit anumang problema ang dumating, itinalaga ka na ng tadhana upang sa dakong huli ikaw ay magtagumpay at lumigaya. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Beige at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tama ang iniisip mong pagbibigay ng gift sa mga charitable institution. Gawin mo iyan nang palihim sa nalalapit na kapaskuhan upang mas maraming biyaya at suwerte ang kusang dumating. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Ituon ang iyong libido at enerhiyang sexual sa mga bagay na pagkakaperahan upang mas mabilis na yumaman. Itigil muna ang mga relasyong hindi naman dapat. Mapalad ang 3, 6, 27, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om.” Red at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Mag-coffee break muna! Wag masyadong isipin ang mga problema, kusa din ‘yang lilipas. Habang nagka-kape, isang kaakit-akit na Taurus ang darating, agad niyang pupukawin ang natutulog mong pagnanasa. Mapalad ang 3, 7, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodhana-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Uso ang sakit kaya mas makabubuting bumili ng maraming prutas at sariwang gulay ito ang kaining lagi upang maiiwasan ang anomang uri ng karamdaman. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Investment na may kaugnayan sa lupa ang dapat upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa lugar na malapit sa nature, doon kayo maglampungan. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kesar-Khangaya-Kapor.” Blue at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa fairy tales na ka-pattern ang buhay mo. Sa pagtulad sa mga “heroes” sa nasabing mga fairy tales story, sa bandang huli, ganito ang magiging ending ng iyong love life: “…and the prince and the princess live happily ever after.” Mapalad ang 1, 4, 28, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Orange at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Magtanim ng gulay at mga halaman sa likod bahay. Nakapaglibang ka na, gaganda pa ang pakiramdaman mo. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyo na sumali sa mga organisasyong nagpepreserba ng kahalihalinang kalikasan. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yophiel-Om.” Green at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending