World Pitmasters Cup aarangkada sa Huwebes

MAY bago nang pamantayan ang cockfighting sa Pilipinas. Ito ang World Pitmasters Cup.
Wala pang dalawang taon mula nang ito ay unang itinakda ay magpapasabog na ito ng ikapito nitong pa-derby sa   Huwebes, Setyembre 20, para sa  2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby
Mananatili ang Resorts World Manila sa Pasay City ang tahanan ng World Pitmasters Cup pero sa kauna-unahang pagkakataon ay umabot sa mahigit 400 entry  ang lalahok dito ngayon.
Ang world-class international derby na ito ay handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea at Gov. Eddiebong Plaza sa tulong nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong. Ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum (sa paluan ‘di mauunahan) at Thunderbird Bexan XP.
Ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag elimination ay itinakda sa  Setyembre 20, 21 at 22.  Susundan ito ng pinakaaabangang  one-day 7-stag blowout sa Setyembre 23.
Ang tatlong 3-stag semis naman ay nakatakda sa Setyembre 24, 25 at 26 habang ang  4-stag finals para sa lahat ng kalahok na may 2.0, 2.5, 3.0 at 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Setyembre 28.
Magtutuos sa grand finale sa Setyembre 30 ang lahat ng entry na may  4.0, 4.5 at 5.0 para sa kampeonato.
Ang minimum bet ay  P55,000.
Tampok sa derby na ito ang  mga entry ng mga  pinakamagagaling na mananabong at   breeder  ng Pilipinas tulad nina   Richard Perez (Riper), Joey Delos Santos, Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea, Gov. Eddiebong Plaza, Celso Evangelista, Engr. Celso Salazar, Christopher Sioson , Col. Katigbak, Cong. Patrick Antonio, Eric dela Rosa, Anthony Lim, Eddie Gonzales, Arman Santos, Mayor Goto, JR Tolentino, Gov. Ito Ynares, Dori Du, Mayor Neil Lizares, Cong. Lawrence Wacnang, Mayor Ramon Presa, Fiscal Villanueva, Vice Mayor Mercado, Buboy Delos Santos, Maam Procy, Bong Pineda, Aldo Mercado, Gov. Claude Bautista, Coun. Marvin Rillo, Ricky Magtuto,  Rey Briones, Mayor Ed Lumayag, Raymond Dela Cruz,  Mayor Jesse Viceo at marami pang iba.
Ang mga interesadong sumali ay maaring tumawag sa cellphone number 0927-8419979.

Read more...