Sunshine Cruz: Guys, I’m not engaged po!

MACKY MATHAY AT SUNSHINE CRUZ

AGAD nilinaw ni Sunshine Cruz na engaged na siya sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay.

Kumalat kasi ang chika na nag-propose na sa kanya recently ang half brother ni Ara Mina matapos ngang mag-post si Macky ng photo nila ni Sunshine kung saan kitang-kita ang kumikinang na singsing ng kanyang GF. May caption itong, “Almost 24!!!”

Hindi lang mga followers nila sa social media ang nagtanong kung engaged na sila kundi pati ang pinsan ni Sunshine na si Geneva Cruz.

Mariin naman itong pinabulaanan ng aktres na napapanood sa kapuso daytime series na Kapag Nahati Ang Puso. Sagot ni Sunshine, “Guys, I’m not engaged po!”

Read more...