Mga biktima ng landslide sa Itogon, Benguet binigyan ng P45K na ayuda

BINIGYAN ng P45,000 ang bawat pamilya ng mga nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet.

Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na kabilang sa ipinagkaloob sa mga biktima ng landslide ay P25,000 na magmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kasama ang mga pagkain at funeral assistance at karagdagang P20,000 cash assistance.

Nagtungo si Pangulong Duterte sa Benguet para makiramay sa nangyaring landslide.

Nakipagpulong si Duterte sa pamilya ng mga namatayan para personal na ipahatid ang kanyang pakikiramay sa nangyaring trahedya.

Read more...