Pokwang ibinandera ang kuwintas na gawa sa siling labuyo: Mas mahal pa sa diamond!


IN FAIRNESS, sa kabila ng lumalalang problema ng bansa hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, nakahanap pa rin ng paraan si Pokwang na pagaanin ang pasanin ng mga Pinoy.

Viral ngayon ang video ng komedyana kung saan ibinandera niya ang bago niyang “alahas” na aniya’y mas mahal pa sa diamond.

Sa Instagram account ni Pokey mapapanood sa ipinost niyang video ang pakikipag-usap niya sa kanyang assistant tungkol sa kanyang “most expensive necklace”. Hirit ng komedyana, “Zia, akin na yang pinaka mamahalin kong alahas, yung mas mahal pa sa diamond.”

Ang tinutukoy pala ni Pokwang ay ang kuwintas na gawa sa siling labuyo na naging national issue nitong mga nakaraang araw dahil nga umabot ang presyo nito sa P1,000 kada kilo. Maraming natawa at nagkomento ng positibo sa IG post ni Pokey.

Sa katunayan, habang sinusulat namin ang balitang ito ay u-mabot na sa mahigit 387,000 views ang paandar ni Pokwang.

Samantala, ibinalita rin ng komedyana na showing pa rin ang pelikula nilang “Sol Searching,” sa mga sinehan bilang official entry sa 2018 TOFARM Film Festival.

Read more...