Concert ni Debbie Gibson sa Manila sablay; walang binatbat kay Tiffany


WATCHED the concert of Debbie Gibson and Tiffany at the MOA Arena last weekend.

Tiffany’s performance is okay. Although she is now on the plump side, nandoon pa rin ang timbre ng boses niya. Actually, she has matured as a singer. Mas may texture ang kanyang voice. Bigay na bigay ang kanyang performance.

Sa concert ay mas nauna siyang nag-perform. At tama naman ang ganoong sequence.

Why? Kasi kung si Debbie ang nauna ay baka nag-walkout na ang karamihan. She was a big letdown.

Parang pinitpit na lata ang kanyang boses. And you can tell na hirap siyang i-reach ang high notes ng kanyang kanta. Nakakaloka talaga siya.

Watching her perform is dusa sa audience kasi sila ang mas nahihirapan. And she looks like parang bordering on anorexic na. Actually, sa big screen ay mukha siyang transgender na lasing na nagpe-perform.

q q q

Direk Laurice Guillen stressed na hindi remake ng Gulong ng Palad ang latest movie niyang “Man And Wife,” starring Jodi Sta. Maria and Gabby Concepcion although the movie is based from the characters of Loida Virina’s version of Lina Flor’s Gulong ng Palad.

“When it was offered to me, it was understood that hindi remake ng Gulong ng Palad. Bakit naman kami gagawa ng remake ng Gulong ng Palad, eh, alam na ng lahat ‘yun noon pa. so, finally, ang tagal ng discussions namin.

“Sabi ko, if we borrow from the material, I would be interes-ted kasi ‘di ba ang istorya noon is mahirap si Luisa, mayaman si Carding at parang ayaw sa kanya ni Menang.

“In the end, matapos ang lahat ng pagsubok sa kanila, love triumphs and pumunta na sila sa Amerika. Doon na sila nagsimula ng buhay nila. At least doon patas na, walang mayaman, walang mahirap,” kuwento ni direk Laurice.

“Sabi ko, gumawa tayo ng story na si Carding at Luisa bumalik sila after ten eyars. So parang sequel pero it’s more of a story na after ten years ano na sila. Dati nagmamahalan sila, against all odds sila,” dagdag pa niya.

We asked her if it is a millennial Gulong ng Palad.

“I don’t know if you’d call it millennial but I am just hoping it would appeal to me and my daughter’s generation. People that you know, they come back after ten years at hindi na masyadong maapoy ang kanilang pagmamahalan,” she said.

Read more...