Jo Berry walang takot na sumali sa cheering squad: Nanalo naman kami!

IBANG klase pala talaga ang katapangan at tatag ng kalooban ng small but terrible na si Jo Berry.

Imagine, kahit maliit ay sumali rin pala ang Onanay lead actress sa cheering competition ng kanilang paaralan. At nanalo pa!

Ibinahagi ni Jo sa Sarap Diva nitong Sabado na nag-first place pa ang kanyang cheering squad sa laban.

“Ayaw ko nang may mami-miss ako na hindi ko mata-try. Tapos hangga’t puwede, sabi ko, hindi ko gagawing hindrance ‘yung laki ko para hindi ma-try ‘yung mga bagay-bagay,” pahayag ng Kapuso actress.

Ayon pa kay Jo mas na-experience niya ang “real world” nang magtrabaho na siya sa isang BPO company.

“Na-improve po ako in a way na du’n ko talaga naranasan ‘yung hindi na ako be-baby-hin, ito na pala talaga ‘yung real world. Tapos ganito kung paano kumita. Kailangan kong kumita for myself eh. Eh gusto ko rin makatulong sa family ko,” kuwento pa ni Onay.

Aniya pa, kinailangan niyang mamili kung ipagpa-patuloy niya ang career sa BPO company o kakaririn na ang pagiging artista matapos i-offer sa kanya ng GMA ang Onanay.

Naging masaya naman daw siya sa kanyang desisyon at nagpapasalamat sa lahat ng tumatangkilik sa Onanay na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol.

 

Read more...