Narekober ang bangkay ng mga napatay na bandido, pati ang isang M16 rifle, iba pang gamit pandigma, at personal na kagamitan, sabi ni Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.
Kabilang sa mga napaulat na sugatang bandido si Abu Sayyaf sub-commander Hatib Hajan Sawadjaan, aniya.
Pawang mga nagtamo naman ng shrapnel wound ang mga sugatang kawal, na dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo para malunasan.
Naganap ang engkuwentro dakong ala-1:30 ng hapon Biyernes, sa Brgy. Bakong.
Nakasagupa ng mga miyembro ng Task Group Panther at Scout Rangers ang aabot sa 100 kasapi ng Abu Sayyaf na mga tagasunod nina top commander Radullan Sahiron at sub-commanders Sawadjaan at Idang Susukan, ani Besana.