Maymay natural ang pagiging modelo: Iniisip ko lang naman na maganda ako!

MAYMAY ENTRATA

HANDANG sumailalim sa matinding training si Maymay Entrata bilang paghahanda sa pagiging professional model.

Isa sa mga pangarap ng PBB Lucky Season 7 Big Winner ang maging modelo kaya nga kinilig siya noong kumalat ang balitang kasali raw siya sa bagonmg season ng Asia’s Next Top Model.

“Nasa dreams ko na po yung pagiging modelo pero nasa tamang panahon po yun,” sey ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Tsaka po yung training, kung may time po ako at nasa tamang panahon na po ako na pwede ako mag-train,” aniya pa.

Maraming nagsasabi na natural ang talento at galing ng dalaga sa pagrampa at pagpu-pose sa harap ng camera. Napakagaling daw niyang mag-project kahit walang formal training.

“Natutunan ko lang yun sa YouTube, sa mga professional models, kunwari iniisip ko lang maganda ako,” chika pa ni Maymay.

Kung matatandaan, dalawang beses ni-like ng supermodel na si Tyra Banks ang litrato ni Maymay sa social media. Una ay noong rumampa siya sa Star Magic Ball at ang ikalawa ay nang magpakitang-gilas siya sa isang fashion show para sa isang local clothing line.

Read more...