WALANG pakialam si Jaclyn Jose sa mga desisyon sa buhay ng anak na si Andi Eigenmann lalo na sa pananatili ng young actress sa Baler, Aurora at Siargao ng ilang buwan.
Bumalik na sa sibilisas-yon si Andi at sa isang interview kay Jaclyn na inilabas ng GMA Entertainment sinabi nitong sanay na siya sa “pagkawala” ng anak, “Pabalik-balik naman ‘yun. Hinihintay ko lang siyang magsawa.”
Saad pa ng award-winning actress, hindi niya pinagbabawalan ang anak sa desisyon niya, “Hindi namin pinag-uusapan ‘yung mga bagay na alam kong hindi namin mapagkakasunduan,” rason niya.
Pagdating naman sa apo niyang si Ellie, na kay Jake Ejercito raw ang bata na malungkot din para sa lolang tulad niya.
Huling napanood sa primetime series na The Cure ng GMA si Jaclyn at may bagong project na raw na inihahanda ang Kapuso network para sa kanya.
q q q
Matapos umani ng batikos dahil sa hindi naman daw siya mukhang Pinoy, tagumpay ang pagrampa ng Filipino-America model na si Kelsey Merritt sa nakaraang Victoria Secret Fashion show. Nagpasiklab din siya sa kanyang latest pictorial para sa nasabing international brand.
Inilabas ni Kelsey ang mga kuha niya sa Instagram account na talaga namang makatulo-laway, huh!
Siya nga naman ang kauna-unahang Pinay na nakasama sa Victoria’s Secret fashion show kaya malaking karangalan ang achievement na ito sa kanya at sa Pilipinas na rin.
Lumabas pa si Kelsey sa ilang international websites gaya ng Teen Vogue, Vanity Fair Itaia, W magazine, Cosmopolitan UK at Harper’s Bazzar.
Sa mga bumabatikos kay Merritt, to the rescue naman si Anne Curtis nang ipahayag niyang hindi basehan ang kutis ng isang tao para mapabilang sa mga international fashion show, huh!