Heart pinasakay ni Chiz sa jeep pinagtanim ng puno sa Sorsogon: That’s very sweet…!


ALAM n’yo ba kung ano para kay Heart Evangelista ang sweetest memories niya with husband Sen. Chiz Escudero noong nililigawan pa lang siya ng kanyang asawa?

Isa raw sa hinding-hindi niya makakalimutan noong nasa ligawan stage pa lang sila ay nang sumakay daw sila sa jeep ng senador.

“Yes, he made me ride the jeepney for the first time. I thought that was very sweet,” ang reply ni Heart sa isang follower.

Bukod dito, isa pang napaka-sweet na ginawa nila together noon ay ang magtanim ng puno sa Sorsogon.

“But I think this was sweeter… hours before he proposed to me in Sorsogon he made me plant a tree! I mean who does that these days?? A tree named after your love?!” ang pahayag pa ni Heart na mas lalong ikinakilig ng kanyang mga social media followers.

Read more...