Ex-gay TV host target dyowain ang baguhang young celebrity


NAPAKADALING hulaan. Nag-PM (private message) sa amin ang isang high school classmate whose bagets nephew happens to be one of the members of a popular all-male group.

Tsika niya: kursunada raw ng isang dating gay TV host ang kanyang pamangkin. Panay raw kasi ang text nito sa bagets.

Sinipat namin sa FB ang account ng bagets. May katwiran naman palang maghabol sa kanya ang former host na kaibigan din naman namin.

Nag-background check tuloy ang dati naming kamag-aral tungkol sa mga rumored affairs ng dating host.
Sa aming pagkakaalam, na-link siya noon sa isang basketbolista. Sinundan ‘yon ng isang mahusay na singer na balitang “endowed down there.”

“Eh, ‘yun namang pamangkin ko ang tinatarget niya,” saad ng PM niya sa akin, “kung bet niya, eh, mga basketball player, ‘yung tatay kasi ng (bale pinsan niya) pamangkin ko, varsity player ng ____ (name of a university).”

Kaibigan din namin ang tumatayong manager ng bagets.

Kapag ganu’ng may nagkakainteres na beki sa sinumang boylet, it’s the latter’s lookout. Nasa kanya na ‘yon kung papatol siya o hindi.

Not exactly a big deal. Pero literally big in built ang beking kumukursanada sa gwapong bagets.

Hanggang dito na lang ang kuwento – “makaidlip” muna.

Read more...