EARLY this week (on Facebook though) ay inilabas na ang mga posibleng pambato sa pagka-Senador mula sa hanay ng oposisyon (Dilawan as you please).
Tatlo roon ay mula sa showbiz, two of whom are open crtitics ni Pangulong Rodrigo Duterte: Leah Navarro at Agot Isidro. Napahiwalay lang, but having the same color, si Dingdong Dantes.
a mga interviews lately kay Dingdong, he has neither confirmed nor denied kung tatakbo nga ba siyang senador despite persistent talks.
Showbiz insiders say na mukhang isasantabi raw muna ng aktor ang planong pumalaot sa pulitika given a number of TV assignments na pagkakaabalahan niya.
Once he becomes visible kasi on TV na nataong panahon ng kampanya ay paglabag ‘yon sa ilang probisyon ng Fair Election Code.
Granting though na maganda ang kanyang tiyempo, tila nakaka-confuse ang bansag sa mga tagasuporta ni Dingdong. Hindi kasi ito puwedeng tawaging Dingdong Dantes Supporters o DDS for obvious reasons.
The type of Dingdong is one of silence. Kung very vocal o dauntless sina Leah at Agot in their verbal attacks against the President, it is quite unusual for an oppositionist like Dingdong na tahimik amidst a politically awakened society.
For sure, he’ll have a mouthful to say, hindi nga lang siya dumadakdak until he probably feels the urgency to do so.
Curious lang kami as to how Dingdong views the world around him para naman masabing he’s a man both of form and of substance.
Meanwhile, on the other side of the fence ay may pambato rin silang aktor, si Robin Padilla, na isang malaking good luck ang nais naming ipaabot in his lofty ambition.