3 dam nagpakawala na tubig sa pananalasa ni Ompong

NAGPAKAWALA na ng tubig ang tatlong dam bilang antisipasyon sa ibubuhos na ulan ng bagyong Ompong.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration nagbukas na ng tig-isang gate ngayong umaga ang Magat dam sa Isabela, at Ambuklao at Binga dams sa Benguet.

Idinagdag ng hydrologist na si Richard Orendain na kailangang magpakawala ng tubig ang dam dahil malapit na ang lebel ng tubig nito sa spilling level.

Noong Huwebes pa nagsimulang magpakawala ng tubig ang Magat dam. Ang lebel ng tubig nito ay 188.55 metro at ang normal level nito ay 190 metro.

Ang Ambuklao naman ay 751.09 metro ang lebel ng tubig at ang normal nito ay 752 metro. Ang Binga dam ay 574.16 metro at ang normal ay 575 metro.

Ang tubig na pinapakawalan ng Ambuklao at Binga dams ay napupunta sa San Roque dam sa Pangasinan.

Ang lebel ng tubig sa San Roque dam ay 274.28 metro. Ang normal level nito ay 280 metro.

Read more...