Ex-driver ni Peter Co patay sa ambush sa Batangas

TINAMBANGAN at napatay ng limang hindi pa nakikilalang mga salarin ang dating driver ng drug lord na si Peter Co habang patungo sa isang regional trial court sa Batangas City ngayong araw. 

Sinabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Calabarzon police, na ineeskortan si Elvis Areglo ng mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa provincial jail patungong regional trial court si Areglo nang mangyari ang pananambang.

Dadalo sana si Areglo sa isang pagdinig nang mangyari ang pamamaril.

Dead on the spot si Areglo, ayon kay Gaoiran. 

Nahaharap si Areglo sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga, samantalang nakakulong naman si Co simula 2001 matapos masentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa droga.

Sinabi ni Supt. Sancho Celedio, San Pedro City police chief, na nakakulong si Areglo sa Batangas provincial jail at napatay ganap na alas-8 ng umaga.

Sakay siya ng sasakyan ng BJMP nang parahin ng mga salarin. 

“Initially [we learned that] there were three to four [gunmen]. [Areglo] was with around five other detainees, who also had a scheduled hearing but it seemed he was the only  target,” sabi ni Celedio 

Nahaharap si Areglo sa mga kasong droga sa bayan ng Padre Garcia at bayan ng Rosario, Batangas.

Noong 2006, naaresto siya kasama ang dalawang iba pa sa Lipa City, Batangas dahil sa pagbibiyahe ng malaking halaga ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu. 

“He was a known drug supplier in Batangas and became one of the leaders inside the jail that [detainees] referred to him as ‘Boss Elvis,’” sabi ni Celedio. 

Read more...