Sa update ng PAGASA alas-5 ng hapon, itinaas ang TCWS no. 1 sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Isabela, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon kasama ang Polillo Island, Northern Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, NorthernOriental Mindoro, Masbate, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao island, at Northern Samar
Bahagya ring bumilis ang bagyo na umuusad ng 25 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.
Ang bagyo ay nasa layong 575 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
May hangin ito na umaabot sa 205 kilometro bawat oras at pagbugsong 255 kilometro bawat oras.