Mga OFW inaatake ng ‘sepanx’ sa pagtatapos ng Sana Dalawa Ang Puso

JODI STA. MARIA AT RICHARD YAP

NALUNGKOT ang mga sumusubaybay ng pang-umagang seryeng Sana Dalawa Ang Puso nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla dahil ngayong araw na ito matatapos.

Ang daming nagpahatid ng kanilang saloobin sa pagtatapos ng S2P dahil alam nilang matatagalan na naman bago mapanood uling magkasama sina Jodi at Richard lalo na ang mga taga-ibang bansa.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagpaalam na si Jodi sa lahat ng sumubaybay ng Sana Dalawa Ang Puso simula nang umere ito noong Enero 29.

Kasama ni Jodi sa litrato si Richard na ipinost niya sa IG na may caption na, “Sir Chief! Oops, wrong teleserye! Thank you to everyone who supported #Sana-DalawaAngPuso! Last week na namin. Mamimiss namin kayo!”

Pawang malulungkot ang komento ng followers ni Jodi at sinabing best primetime TV series ang Sana Dalawa Ang Puso bukod sa Be Careful With My Heart na unang pinagtambalan ng dalawa. Inaatake na rin daw sila ng “sepanx” (separation anxiety).

Marami ring fans ang nagsabi na sana’y muling pagtambalin sina Jodi at Robin dahil ibang kilig din ang hatid ng dalawa sa manonood. Komento pa ng isang OFW, wala na raw silang gamot sa homesick sa pagtatapos ng SDAP.

Anyway, sinilip namin ang IG account ni Richard kung nagpaalam na rin siya pero wala pa, isang video ang nakapost na tinanong niya si Jodi kung anong tagalog ng “I Love You” at sinagot naman ng aktres ng “Mahal kita” sabay ngiti ng aktor at sinabihan din ng, “Mahal kita” ang leading lady na ikinakilig naman nito.

As expected, happy ending ang Sana Dalawa Ang Puso dahil nabuo na ulit ang pamilya ng kambal na sina Mona at Lisa at naging maayos na ang pagsasama nila sa kani-kanilang mga partners na sina Martin at Leo.

Read more...