Bagyong Ompong sa Sabado tatama sa lupa

SA Cagayan magla-landfall sa Sabado ang bagyong Ompong. 

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration umaabot sa 205 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin ng bagyo. 

Itataas ito sa kategoryang super typhoon kapag umabot na sa 220 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin.

Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran.

Inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo.

Read more...