WILLING si Maine Mendoza na mag-guest sa top-rating teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.
Magkasama ang dalawa sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Jak Em Popoy: The Pulis Credibles” na tinatampukan din ni Vic Sotto.
“Oo naman. Wow, oo naman. Tingnan natin,” say ni Maine sa tanong kung payag siyang umapir sa Ang Probinsyano.
“Ay, magho-host ka daw sa Eat Bulaga sa Juan For All. Kasama namin siyang mag-Sugod Bahay. Charot lang, charot lang. baka mag-expect (ang televiewers),” say ni Maine kay Coco.
“Puwede rin,” say naman ni Coco.
Willing ba siyang mag-guest sa Kapamilya shows? “Kung papayagan po ako, bakit hindi?” say ni Maine.
MOST READ
LATEST STORIES