TINALAKAN ng singer-comedienne na si K Brosas ang troll account ni Kris Aquino na nanglait sa kanyang itsura at sa kanyang grammar.
Nag-comment ng hindi maganda ang netizen sa ipinost ni K na photo sa kanyang social media account kasama si Kakai Bautista.
Ito ang naging resbak ni K, “Sensya na. Pero dahil aaminin ko nag init ulo ko sa baliw na troll na ‘to. Ayan bigyan ng exposure. Ang dami niyang hanas at gamit pa name at pic ni gorge @krisaquino. Kaya ako na bwisit kasi malayo ugali niya sa kaibigan ko na idol niya. Nakakahiya.
“Ok lang sinabihan nya akong pangit pero para sa iba mo pang chakang sinabi at maling grammar keme at ginagamit kaibigan ko ehhhh teka lang na dimunyu ka. Biglang nag-private. Lol.
“Matapang sa umpisa pero duwag pala. Mag usap kayo ng 16 Mong followers. Baka madagdagan pa kasi ‘fan’ ka ni gorge. Pero ang ugali mo mali. Pasensiya na po,” aniya pa.
Burado na ang tweet ng basher at nag-deactivate na rin ito ng kanyang account.
May hirit pa ang komedyana sa lahat ng fans, “Pero remember kung talagang fan kayo ng iniidolo nyo, don lang tayo sa positive, ‘wag nega at ‘wag gamitin ang idol niyo sa pambabash. Promote what you love than bash what you hate! Simple. Lablablab! I thank you! Ayan sana sumikat sya! Hehe. Palakpakan.”