Seo Kang Joon bida uli sa K-drama na ‘Third Charm’


KOREAN word of the Week: “Cheonmaneyo” – Nangangahulugan ito ng “You’re welcome”. Sa Filipino, ang ibig sabihin nito ay “Walang anuman.”

q q q

Matapos ang kan-yang hit K-drama na Are You Human Too? bibida muli ang Korean actor na si Seo Kang Joon sa romcom series na The Third Charm kung saan makakasama niya si Esom Star.

Sa Portugal pa ang unang shooting ng serye ni Kang Joon na ginawa bago matapos ang buwan ng Agosto.

Ito’y tungkol sa love story ng dalawang bida na 12 taon nang magkakilala. Gaganap si Kang Joon bilang isang estudyanteng perfectionist, na pinaplano ang lahat. Emosyon naman ang sinusunod dito ng karakter ni Esom.

Bukod sa Are You Human Too?, napanood din si Kang Joon sa Cheese In the Trap at Cunning Single Lady. Kabilang naman sa mga K-drama ni Esom ang White Christmas at Because This is my First Life.

Nakatakdang iere ang The Third Charm sa Set. 28. —Kezia Dominguez, trainee

Read more...