DUSA ng slight si Monsour del Rosario sa shooting ng “The Trigonal” na pinagbibidahan ni Ian Ignacio.
“Medyo nahirapan ako kasi ang shooting sa Negros Occidental. From Congress, Monday to Wednesday nandoon ako and then Thursday lipad ako ng Bacolod for shooting hanggang Sunday.
“Tapos Sunday night lipad ako pa-Manila dahil attend ako ng congress. For mga one month ay ‘yun ang ginagawa ko para lang magawa ko ang movie na ito,” chika niya.
But it was all worth it for the taekwondo champion-turned congressman.
“Hindi naman ako nagsisisi kasi halos lahat ng nakapanood ng trailer, lalo na ‘yung mga action aficionados, mga atleta, member ng Philippine Team ng ibang combat sports, sabi nila parang Hollywood-ish ang dating, parang iba daw.
“Ine-endorse na nga ito ni Sen. Miguel Zubiri dahil siya ay president ng Philippine Extreme Arnis Kali Federation.
“In-endorse niya sa lahat ng Filipino martial artists, Filipino martial arts practitioners ang movie dahil pino-promote namin dito ay Filipino Martial Arts,” he said.
“Ang maganda, makikita sa ibang bansa na ang mga Filipino ay hindi na lang puro pang-romansa.
“May mga fighter din kaming mga artista na puwedeng gampanan ‘yung skills ng Filipino martial artist dahil kapag napanood nila ay bilib na bilib sila. Hindi kami bilib doon, eh.
“Si Denzel Washington bilib na bilib sila. Hindi naman kami bilib doon, eh. Maraming marunong na puwede nating ilabas ang skills nila at the same time mahusay umarte. Nadadala lang kasi sa editing,” dagdag pa niya.