Panuntunan sa pagsasanay ng care worker sa Japan, inilabas ng DOLE

NAGLABAS ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panuntunan sa pagtanggap ng mga Pilipinong care worker para sa Technical Intern Training program sa Japan.

Itinatakda ng Department Order No. 188-B ang mga kuwalipikasyon para sa mga aplikante sa ilalim ng Organization for Technical Intern Training Program of Japan para sa Technical Intern Training (TIT).

Para sa kategoryang care worker, ang mga matatanggap na care worker intern ay maaaring magkaroon ng mga trabaho tulad ng pagbibigay serbisyo sa ilalim ng Child Welfare law; batas sa Comprehensive Support for the Daily Lives at Social Lives of Persons with Disabilities; Elderly and Long-Term Care Insurance law; Public Assistance law; at iba pang serbisyo tulad ng para sa community welfare center, work accident special nursing home business, mga ospital, at klinik.

Ang trainee ay dapat na 18-taong-gulang at mayroong hanggang isang taong karanasan sa trabaho sa industriya ng caregiving o iba pang kahalintulad na propesyon, dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa, at dapat na first-time participant para sa programa.

Kung kulang naman sa karanasan sa trabaho ang aplikante, siya ay dapat na magkaroon ng Caregiving NC II Certification mula sa accredited training center ng TESDA o 4-year Bachelor’s Degree sa healthcare o iba pang kahalintulad na kurso subalit dapat silang magsumite ng authenticated copy ng diploma at transcript of records.

Kasama sa mga pangunahing requirements para sa internship training ay ang pagpasa sa N4 Level ng Japanese Language Proficiency Test (JLPT) o ang practical test equivalence nito; score na 350 o higit pa sa E-F Level test o 400 o higit pa para sa A-D test ng J Test (Test of Practical Japanese) na itinatakda ng Japan Language Examination Association; at pagkakapasa sa Level 4 ng Japanese Language NAT-TEST.

Ang intern ay kuwalipikado na para sa ikalawang taon ng pagsasanay kung maipasa niya ang N3 Level ng JLPT; score na 400 o higit pa para sa A-D test ng J. Test, o pagkakapasa ng level 3 para sa Japanese Language NAT-TEST sa loob ng isang taon ng pagsasanay sa Japan.

Ang mga trainee na care worker na hindi naipasa ang N3 level sa loob ng isang taon ng pagsasanay ay magiging disqualified upang ipagpatuloy ang programa at pauuwiin sa Pilipinas alinsunod sa regulasyon ng Japan.

Sa kabilang dako, ang Philippine Overseas Employment Administration ang naatasang magbigay ng accreditation para sa mga supervising/implementing organizations para sa pagpapatupad ng TIT sa kategorya ng care worker.

Liban naman sa mga probisyon na nakatala sa Section V ng Department Order No. 188 na nagtatakda ng mga requirements para sa accreditation ng supervising/implementing organizations, ang bilang ng mga trainee ay hindi dapat lumagpas sa bilang na itinakda para sa kabuuan ng mga full-time care worker sa isang pasilidad; ang implementing organization ay dapat na nag-ooperate ng 3 taon at dapat magsumite ng Company Registration bilang patunay; at ebidensya na ang organisasyon ay kasama sa kategorya ng mga uri ng pasilidad na nakalista sa kautusan. Ang mga home-visit long-term care service ay hindi kasama sa nasabing programa.

Itinatakda ng Organization for Technical Intern Training (OTIT) na ang mga excellent supervising organization lamang ang maaaring mag-supervise sa mga intern training para sa ika-4 at ika-5 taon ng programa ng mga manggagawa.

Samantala, ang mga trainee ay mayroong 1-buwan na mandatory na bakasyon sa Pilipinas bago sila magpatuloy para sa ika-4 na taon ng training sa Japan.

Paul Ang ,Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...