2 Pinay ‘Kim’ sa Miss Saigon magsasama sa Hollywood movie


BIBIDA si Lea Salonga kasama ang isa pang Pinay “Kim” sa “Miss Saigon” na si Eva Noblezada sa international musical drama movie na “Yellow Rose.” Parehong umani ng papuri ang dalawa sa Broadway.

Nanalo si Lea sa Tony Awards noong 1991 habang si Eva naman ay nominated sa Tony Awards last year.

Ang “Yellow Rose” ay under the direction of Diane Paragas. Nag-post si Lea sa Twitter ng isang article tungkol sa gagawin nilang Hollywood movie, aniya, “This is actually happening! (To be totally honest, Eva does most, if not all of the heavy lifting. I’m just happy to be a small part of this effort!)”

Read more...