Bryan Revilla mala-Bruce Willis sa ‘Tres’


SA episode na “Virgo” ng pelikulang “Tres” bibida si Bryan Revilla kasama sina Carla Humphries at Joey Marquez sa direksyon ni Richard Somes. Sa tatlong episode (ang dalawa ay pinagbibidahan ng mga kapatid na sina Jolo at Luigi Revilla) ito raw ang bukod-tanging sinyut ng full length.

“When you have the director that’s dedicated to doing what he likes, he really push the end. Sabi niya, ‘Bryan kung isu-shoot natin ito ng 35 minutes sayang naman. Bakit hindi na lang nating full-length kaya naman nating gawin.’

“Sabi ko sige why not, let’s do it. So, we shot it full-length. Then we shot to 35 minutes release for this one, so hopefully, in the future we get to show you guys the full-length,” paliwanag ng nagbabalik na aktor.

Base sa trailer ng “Virgo” napansin naming hawig ni Bryan ang Hollywood action star na si Bruce Willis ng “Die Hard” na under shirt lang din ang suot sa movie. Ito kaya ang peg ng panganay na anak nina ex-Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado?

Anyway, nabanggit ni Bryan na ang magulang niya ang numero unong nagki-criticize sa kanya pagdating sa acting at lumalabas na ang tatay niya ang masasabing stage father dahil talagang pinakikialaman lahat ng kilos at galaw niya. Ang nanay naman niya ang tumutulong sa preparations niya sa pag-arte.

Gagampanan ni Bryan ang karakter ng isang PDEA agent na ang pangalan niya ay Virgo, “Undercover agent siya na naulila dahil ang tatay niya ay part ng crime syndicate eventually he became a cop. Nagkataon na iniimbestigahan niya ‘yung kaso na kadugtong sa pagpatay ng family. All throughout the film, it’s full of surprises and we hope you enjoy it.”

Samantala, tungkol sa lovelife, sinabi ni Bryan na, “I’m alone but not lonely.” Explanation niya, “Wala po, alone po ako, mag-isa lang po talaga ako. I have no one on the side, nothing.”

Showing na ang trilogy na “Tres” under Imus Productions to be released by Cine Screen (Star Cinema) sa Okt. 3.

Read more...