Meg Imperial never pumatol sa tibo: Lalaki pa rin ang gusto ko!

By Reggee Bonoan September 12,2018
share this

Meg Imperial never pumatol sa tibo: Lalaki pa rin ang gusto ko!

By Reggee Bonoan September 12,2018
share this


KUNG may mga moving on o hugot movie ay mayroon ding pelikula tungkol sa paghahanap ng groom at pagpapakasal, ito ang pelikulang “Abay Babes” ng Viva Films na mapapanood sa Set. 19 mula sa direksyon ni Don Cuaresma.

Isa si Meg Imperial sa mga “Abay Babes” na masasabing halos perpekto na dahil maganda, makinis at madiskarte. Pero teka, parang hindi siya nababagay maging abay dahil ang karakter niya sa movie ay lesbian.

Kuwento nga ni Meg sa mediacon ng “Abay Babes”, “Mahirap mag-portray ng tomboy, especially’ yung sinasabi nila na the butch lesbians are more quiet, and sila ‘yung hindi pretentious to be a man, basta ganu’n lang sila.

“Pero dito sa film kasi, since it’s a comedy, I have to exert more effort to act as lesbian. I did a research sa best friend ko, kasi ‘yung best friend ko, butch lesbian,” kuwento ng aktres.

May suhestiyon naman daw ang direktor nilang si Don Cuaresma, “Pineg sa akin ni direk Don si Jake Zyrus. I look for ‘yung bagong anyo niya and, of course, before kasi, walang tattoo ‘yung character. And I said, ‘Direk, we might as well put a tattoo para hindi babaeng tingnan para madumi yung arrive and mas masculine tingnan.”

Pero ang nakakabaliw, napagsuot ng two-piece si Meg kahit tibo siya sa kuwento na ginawa naman niya, “Nagulat din ako dahil pinag-two piece nila yung character ko.

“Pero siguro comedy part na rin sa character ko kasi sobrang naka-cut ‘yung hair ko, tapos walang make-up at all at medyo masculine ‘yung hitsura dahil may mga tattoo. So, hindi ko rin expected. Sinabi nila, ‘O, pagsuutin ng two-piece iyang si Meg!’” aniya.

Nasubukan na ba ni Meg na ma-attract sa same sex, “Hindi naman to the point na deciding na (maging lesbian).

“Siguro na-curious lang ako. What if naging tomboy ako, like my friends. But not to the point na wanting to be one of them or gustuhin kong makipagrelasyon sa mga babae.

“Kasi nakaka-appreciate ako ng beauty. Nakaka-appreciate ako ng magagandang characters nila, ‘yung bagay sa kanila, pero kung more than that, wala namang to the point na relationship.

“For me, lalaki talaga ‘yung hanap ko, e. Lalaki talaga ‘yung gusto ko, e. Right now naman, I’m dating and I’m happy naman with my lovelife. Although now its complicated, it’s a bit complicated,” paliwanag ng dalaga.

Kasama rin sa “Abay Babes” sina Roxanne Barcelo, Kylie Verzosa, Nathalie Hart at Cristine Reyes under VIVA Films, at showing na sa Sept. 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending