Intel report kaugnay ng kutsabahan ng CPP, Magdalo at oposisyon ilalabas ni Du30

TINIYAK ni Pangulong Duterte na maglalabas siya ng ebidensiya para patunayan ang umano’y kutsabahan ng Communist Party of the Philippines (CPP), Sen. Antonio Trillanes IV at ng oposisyon para siya mapatalsik sa pwesto. 

“Alam mo si (Communist Party of the Philippines Jose Maria) Sison pati itong Magdalo,  pati itong mga ayaw sa akin, ‘yung mga hindi tumanggap sa akin, they have combined and we have the evidence. I have the conversation provided by a foreign country sympathetic to us,” sabi ni Duterte sa isang panayam ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Nauna nang sinabi ni Duterte ang umano’y pagkilos para siya matanggal sa katungkulan.

Idinagdag ni Duterte na hiniling na niya na maisapubliko ang naturang intelligence report.

“I ask that it would be declassified at ipakita ko sa lahat,” ayon pa kay Duterte. 

Read more...