5 huli, P4.5M marijuana samsam sa raid

ARESTADO ang limang kalalakihan, kabilang ang isang menor de edad, sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Grenie Hierro, 34, Anthony John Timpug, 39, Lassery Ann Rayo, 30, Randbel Clifford Venzon, 20 at isang 16-anyos na lalaki.

Nakatanggap ng tip ang pulisya kaugnay ng pagbebenta umano ng mga suspek ng marijuana.

Ikinasa ang operasyon sa isang apartment sa Barangay Immaculate Conception, Cubao.

Narekober sa mga suspek ang 27 plastic ng dahon ng marijuana, pitong brick ng marijuana, at mga drug paraphernalia.

Umabot sa 35 kilo ang narekober na droga ng mga suspek na mayroong street value na P4.5 milyon.

Read more...