AYAW tantanan si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ng tanong about his ex-girlfriend na si Jodi Sta. Maria sa solo presscon niya para sa pelikulang “Tres” under Imus Productions.
May mga sinasagot siya, pero meron ding pakiusap na ibalato na lang sa kanya ang iba pang detalye tungkol sa kanila ni Jodi.
May point naman si VG Jolo na ‘wag nang pag-usapan ang tungkol sa kanila ng aktres lalo na’t ngayon lang ulit nagkapelikula ang anak nina former Sen. Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado.
Isa pa, ang Kapuso star na si Rihan Ramos ang leading lady ni Jolo sa “Tres” na isang trilogy movie kung saan bibiada rin ang mga kapatid niyang sina Bryan at Luigi Revilla.
Last December, 2017, nabanggit na ni Jolo ang pelikulang gagawin niya with his siblings. Na-feel agad namin na malamang si Jodi ang kukunin niyang leading lady. Kaya lang, sobrang busy ni Jodi kaya ‘di umubra ang Kapamilya star.
In fairness naman daw kay Rhian, wala raw itong kaarte-arte sa intimate scenes nila ni Jolo sa “Tres.” “Wala siyang arte sa kissing scenes namin. Basta ginawa niya kung ano ‘yung kailangan sa eksena namin,” lahad ni Jolo.
Hindi pa man naipalalabas ang “Tres,” balitang-balita na ang ganda ng movie especially ang action scenes. Ipinasilip kasi ang “Tres” para sana maging entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Laking panghihinayang ni Chair Liza Dino na hindi naipasok ang “Tres” dahil hindi pa raw tapos ‘yung movie.
Na-amaze raw si Chair Liza sa ilang action scenes na napanood niya sa “Tres”, “Yeah,” natuwang sabi ni Vice-Governor Jolo. “Kasi talagang raw pa ‘yung scenes nu’ng ipinasok namin ‘ yung movie sa PPP. Maybe , our movie is really meant for an October release.”
Dapat daw panoorin ang trilogy movie nila ng mga kapatid niya. Kung dati raw kasi horror movie ang madalas napapanood, for a change, it’s a full-packed action film naman ayon kay VG Jolo.
“Marami tayong mapupulot na aral. Tatlong perspective, iba’t ibang istorya. And of course, we’re dedicating this film sa ating mga kabayayan at sa aking Dad (Bong). Siya kasi ang nakaisip ng project na ‘to. And of course, to my Lolo, kay Sen. Ramon Revilla.”
q q q
Supposed to be, aalis on Sept. 10 si Jolo para mag-aral sa Harvard University sa US dahil sa ibinigay na study-grant sa kanya. Pero hindi raw muna siya makakaalis ng Pilipinas dahil sa promo ng “Tres.”
Pero tutuloy daw siya on November kung saan makakasabay niya ang anak ni former Sen. Jinggoy Estrada na si Janella.
“I’m excited, of course dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance tulad nito. Magli-leave lang ako for work ng two weeks to a month,” aniya pa.
Samantala, kinumusta rin ng ilang taga-media ang unico hijo ni VG Jolo na si Gab. Trese na pala ang anak niya kay Grace, daughter ni Rosanna Roces.
Mas mataas na raw si Gab sa kanya ngayon. Pero may nagbiro kay VG Jolo what if may girlfriend na si Gab at magkaroon din agad ng baby gaya niya, “Huwag naman. Ayokong maging lolo agad,” sagot niya.
And speaking of ex-Sen. Bong, may mga nagsasabi na makakalaya na ang daddy ni Jolo anytime soon.
Pagkatapos pansamantalang makalaya nina Sen. Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, patuloy ang pagdarasal ng pamilya ng Titanic Action Star na makalaya na rin siya pansamantala.
Hindi pa alam ng nakararami kung paano nga ba isinagawa ni dating DOJ Sec. Leila De Lima, sa tulong nina dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at Commission on Audit chairman Grace Pulido Tan ang inaangal ni Jinggoy na “selective justice?”