“NAIINIS ako kasi perfect na dapat’ yung buhay ko dahil napaka-perfect ng childhood ko, tapos hindi ko nabigay sa anak ko yun!”
to ang isa sa mga pinanghihinayangan ni Megastar Sharon Cuneta sa paghihiwalay nila noon ni Gabby Concepcion.
Napakasakit daw para kay Mega na makita kung paano naapektuhan ang anak nilang si KC nang magdesisyon silang mag-break ng dating asawa.
Sa panayam ng Gandang Gabi Vice kay Sharon last Sunday, naging emosyonal muli ang singer-actress nang alalahanin ang hiwalayan nila ni Gabby tatlong taon after silang ikasal noong 1984.
“Ang masakit sa akin talaga, nu’ng nag-asawa kami, yun talaga ang gusto ko. Parang feeling ko I found my prince, kasi fairy tale na yung buhay ko, e.
“Ito na yung tuldok. Wala na akong gusto sa buhay. Gusto ko na lang buhay ko siya tsaka yung bata,” kuwento pa ni Mega.
“Ba’t ba ako umiiyak? Si KC lang po naaalala ako. Parang two and a half years old (nang maghiwalay sila ni Gabby), nakita ko yung change kay Kace, nagkaroon ng parang wall.
“Nag-iba yung disposisyon ng anak ko na araw-araw dati nakangiti,” pahayag pa ni Shawie.
Pagpapatuloy pa niya, “Kaya lang parang dinamay pa namin yung bata. So she was born into a situation na she didn’t choose. So I think, parang masakit lang.”
Open naman daw siya sa posibilidad na muli silang magkaayos ni Gabby. Kung matatandaan, gagawa sana uli ng pelikula ang dating mag-asawa pero hindi natuloy dahil daw napakaraming demands ni Gabby hanggang sa tuluyan na itong mabasura.
Kaya nang ipakita ang litrato ni Gabby sa “Tanong Mo, Mukha Mo” segment ng GGV, ang tanging reaksyon ni Mega ay, “So… Hello. Whyyy? Yun lang. Anyare? K na, e. Anyare? Tsaka ‘yun din yung feeling ko. Sana okey kami.”