Jo Berry kinalimutan muna ang pangarap maging abogado


ANG maging lawyer ang talagang pangarap ng small but terrible Kapuso actress na si Jo Berry.

Sa panayam ni Rhea Santos para sa Tunay Na Buhay, sinabi ng Onanay star na noon pa man ay gusto na niyang maging abogado. Pero ang ending, pagtungtong ng college, computer science ang kinuha niya.

“Iniisip ko rin kung ano muna ‘yung in the demand. So, iniisip ko muna kung saan ako magiging practical kasi gusto makatulong sa parents ko. Eh, ‘yung pagiging abogado, mag-aaral ako ng mahaba pang panahon,” kuwento ni Jo na sikat na sikat na ngayon bilang si Onay ng GMA series na Onanay.

Napakaraming pangarap ni Jo para sa kanyang family, “Gusto ko na mas mapabuti ko pa ‘yung buhay, kasi ngayon average naman po ‘yung pamumuhay namin. Pero gusto ko po mag-give back sa parents ko, and sa siblings ko kasi ever since, eh pinayagan nila ako kung ano’ng gusto kong gawin, kung saan ako masaya.”

Mas lalo pa niyang pinagbubuti ang trabaho niya sa Onanay, para hindi siya mapahiya sa tiwala ng GMA at sa mga taong patuloy na nanonood sa kanilang programa gabi-gabi after Victor Magtanggol.

Read more...