Di tunay na mahal (2)

Sulat mula kay Jelly ng Dangcagan, Bukidnon
Problema:
1.      May boyfriend ako kaya lang hindi ko siya masyadong mahal dahil lagi ko kasing naaalala ang first love ko.  Naputol ang aming relasyong ng first love dahil umuwi siya sa probinsiya.
Nangako siyang babalikan ako pero umabot na ang isang taon, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabalik.  Kaya nga nakipag-boyfriend ako sa ibang lalaki sa pag-aakala kong makalilimutan ko na siya.
2. Gusto ko pong itanong kung babalikan pa kaya ako ng una kong pag-ibig at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami?
Balak ko na kasing makipag-break sa kasalukuyan kong boyfriend kasi hindi ko naman siya talagang mahal. Tama ba ang gagawin ko?
Umaasa
Jelly ng Dangcagan, Bukidnon
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sinuman sa dalawang lalaking gumugulo sa buhay mo sa ngayon ang isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ay tiyak ang magaganap. Sa bandang huli, siya ang nakatakda sa iyo na makakasama mo habambuhay.
Numerology:
Kung pareho namang Sagittarius ang zodiac sign ng dalawang lalaking gumugulo sa isipan mo sa ngayon, ayon sa birth date mo, ang lalaking mapapangasawa at makakasama mo habang buhay ay siyang isinilang sa petsang 5, 14 o kaya’y 23.
Graphology:
Samantala, ang maganda at maayos mong lagda, na hindi nababoy o naburara, ang nagsasabing kung sino ang unang lalaki na iyong minahal, ay kusang magbabalik ngayong taon. Maghintay ka lamang.
Huling payo at paalala:
Jelly, tama ang binabalak mo.  Huwag mong gawing panakip-butas sa pangungulila mo sa first love mo ang kasalukuyan mong BF. Kung hindi mo naman siya mahal ay makipag-break ka na sa kanya. Pagsapit ng buwan ng Agosto, ayon sa iyong kapalaran, muling magbabalik ang first love mo upang muli ninyong pagdugtungin ang inyong pagmamahalan. Hahantong ito sa isang maligaya at panghabambuhay na samahan.

Read more...