TAKOT AKO, EH!

September 10,2018
share this

TAKOT AKO, EH!

September 10,2018
share this

MAY kinatatakutan ka ba? Takot ka ba sa daga? Sa ipis? Sa lalaki? Sa bading? Afraid ka ba dark?
Siguradong kahit na gaano ka katapang, meron at meron ka ring kinatatakutan – umamin ka man o magdenay.

Bilang bahagi ng ika-28 anibersaryo ng BANDERA, tinanong namin ang ilan sa inyong mga petmalu lodi kung ano ba ang greatest fear nila na gusto nilang ma-overcome.

JAKE VARGAS

“Siguro kinakatakutan kong mamatay ako. Yun siguro, yung bigla ka na lang mawala sa mundo. Kasi, although lahat naman tayo talaga darating doon di ba? Siguro parang napakahirap lang para sa akin.

“Parang hihintayin mo na lang kasi hindi mo na alam yung mangyayari sa ‘yo, ‘yung mangyayari bukas. Yun yung pinaka-worst na naiisip ko.

INAH DE BELEN

“Greatest fear ko na gusto kong i-overcome siguro ‘yung takot ko sa ahas. Takot kasi talaga ako sa snake. I hate snakes! Yun yung pinaka-phobia ko.
“I don’t know from where siya nanggaling, pero grabe ‘yung takot ko. Baka na-trauma ako nu’ng bata. Pero sana one day ma-overcome ko.

VALERIE CONCEPCION

“Greatest fear ko? Ang hirap naman! Siguro more on sa anak ko. Like, siyempre ayaw nating makikita yung anak natin na nahihirapan or not doing well in life.

“Kasi habang nasa pangangalaga mo siya, you’ll do everything and anything for your child.

“But what if mabalewala ‘yon tapos walang mangyari sa life niya, ang sakit, sakit, sa-kit, sakit siguro. Kaya ako gagawin ko ang lahat para sa future niya!”

VINA MORALES

“Ang fear ko is, it’s not for myself, it’s for my daughter, Ceana. Yung magiging future niya. Yun yung fear ko, ano bang patutunguhan ng buhay niya.

“Of course, I want the best for her. So, yun lang yung hindi ko alam. Siyempre, hindi ko alam kung saan yung patutunguhan ng buhay niya. So ‘yun ang lagi kong pinagpe-pray talaga.

“Actually hindi dapat fear yon but I will be positive about it, that she will do great and I know naman with my prayers, with all the prayers I’m doing, she will have a great future.

LOVI POE

“Super afraid ako sa multo. ‘Yan ang greatest fear ko. ‘Yung maisip ko pa lang na may ghost, right in front of my face, kinikilabutan na ako.”

RAYVER CRUZ

RAYVER CRUZ

“Gusto kong ma-overcome ‘yung fear ko sa panonood ng horror movies, kasi like now may nagyayaya sa akin manood ng ‘The Nun’, tinatanggihan ko talaga kasi alam ko yung effect sa akin.

“Kasi, sa totoo lang hindi talaga ako nakakatulog, promise! Mga four days kong maiisip ‘yun. Hindi ko talaga kaya, so sana mawala na. Ang lakas kasi ng imagination ko. Tsaka napapanaginipan ko. Hindi biro talaga, eh. Parang masama talaga yung paggising ko after.”

TONTON GUTIERREZ

“Well, meron lang akong konting fear of heights. Or probably greatest fear is losing my family to a calamity, a fire, or an accident. Yung mga ganu’n lang naman.

“Du’n sa fear of heights I’m still trying na labanan pa rin hanggang ngayon. Katulad dati meron din akong fear of underwater, pero nag-try ako and nagawa kong mag-diving. So nagawa naman. So yung sky diving ang hindi ko pa nagagawa and looking forward na magawa ko siya one of these days.”

PEPE HERRERA

“Takot ako sa bungee jumping, at nasa bucket list ko talaga siya noon pa. Pero hanggang ngayon kapag ini-imagine ko siya, tapos nakikita ko sa utak ko ‘yung sarili ko na tumatalon na nakatali lang, nagpa-palpitate na ako!

“Pero gusto ko siyang magawa, yung sensation of falling eh, kahit sa rollercoaster, yun yung talagang greatest fear ko. Feel ko talaga mamamatay ako!”

NATHALIE HART

NATHALIE HART

“Siguro yung greatest fear ko dati nu’ng hindi pa ako ikakasal, or hindi pa ako buntis, yung magkaroon ako ng problema sa career ko and then hindi ako mabigyan ng tamang trabaho na gusto ko. Yun kasi ang top priority ko noon.

“But ngayon ang pinakanakakatakot yung mawala ang na-gain ko after all these years.

“Yung magiging baby ko, yung magiging asawa ko. Si-guro kapag nawala sila.

MEG IMPERIAL

“Siguro yung greatest fear ko, ngayon ha, kasi nagta-transpose ako ngayon into, hindi naman sobrang from showbiz to business, pero I fear of not, yung gusto kong business hindi ko siya magawa because kulang ako sa execution.

“Dahil for me it’s best to have your own business din. So natatakot ako na baka hindi siya mag-work or mag-succeed. Especially I’m currently building this project na sobrang looking forward ako na matapos ko siya kasi it will help our, yung problem natin here in the Philippines.

BARBIE FORTEZA

“Takot na takot ako sa aso, kahit mga cute na dog, kahit puppies, takot ako. Takot din ako sa multo. Kahit wala akong nakikita afraid! Sa dilim, sa mga matataas na lugar, mga ganyan.”

DERRICK MONASTERIO

DERRICK MONASTERIO

“Ewan ko pero ang pinakanatatakot ako ‘yung taong nakabitay. Hindi ko alam kung bakit, pero takot talaga ako doon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending