BINATIKOS ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan si Pangulong Duterte matapos ang kanyang pahayag na nakikipagsabwatan umano si Sen. Antonio Trillanes IV sa mga “dilawan”, na ang tinutukoy ay ang oposisyon na Liberal Party (LP), para umano matanggal ang presidente sa Malacañang.
“That on its own, either by its incompetence or corruption, the government is doing a good job of destabilizing itself,” sabi ni Pangilinan.
Sa kanyang talumpati sa Davao Internatonal Airport matapos dumating mula kanyang official trip sa Israel at Jordan, nagbabala ang presidente sa pagkukutsabahan ng tatlong grupo para siya matanggal sa Oktubre.
“The accusation of destabilization is downright false. It is ridiculous. Dissent is not destabilization. Every time scandals and controversies hound this administration, whether it be corruption issues or issues of incompetent governance, it blames the opposition,” dagdag ni Pangilinan.
Idinagdag ni Pangilinan na imbes na mag-akusa ng walang batayan, dapat ay pakinggan ni Dutere ang mga hinaing ng mga tao.
“The government should listen to the cry of the people and focus on rising prices of goods and lack of jobs that would sufficiently provide for the average Filipino family,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi pa ni Pangilinan na dapat pakinggan ni Duterte ang mga panawagan para sibakin sina Agriculture Secretary Manny Piñol at mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na nagiging dahilan ng krisis sa bigas.
“If the President doesn’t want to listen to the opposition, that’s fine but his own allies are sounding the alarm bells. Malacañang should heed the clamor of its own allies and act decisively to solve the rice crisis,” ayon pa kay Pangilinan.