HOROSCOPE July 05, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation at pagtulong sa mga kapuspalad. Sa pagninilay, lalong gaganda ang kapalaran higit lalo sa larangan ng pag-ibig at salapi. Mapalad ang 5, 14, 28, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Lilac at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—   Bigyan ng ultimatum ang iyong sarili upang magkaroon ng direksyon ang iyong buhay. Unahing tapusin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipaunawa sa kasuyo na kailangan n’yo nang yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Purple  at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—   May kokontra sa binabalak! Huwag magpadaig sa mga taong may negatibong isipan. Kung papairalin ang lakas ng loob at tapang malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, okay pa ring makisama sa isang Scorpio. Mapalad ang 6, 18, 24, 30, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—       Simpleng buhay ang susi upang magtagumpay. Huwag gawing kumplikado ang pakikipagrelasyon at manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Mapalad ang 9, 14, 26, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Om-Govinda.” Purple at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—                Mag-ingat, may mangungutang na naman! Kung hindi mo siya matanggihan, ¼ lang ng inuutang nya ang iyong ibigay upang hindi sumama ang loob mo kahit na hindi siya magbayad.  Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Capricorn ang kasama ay magiging okay ang lahat. Mapalad ang 2, 7, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—         Ngayon pa lang ay planuhin na ang nalalapit na kaarawan. Balikan ang mga lugar na una n’yong pinuntahan ng kasuyo. Sa pinansiyal, may isang higit na mas mahalaga sa salapi, ang tapat at tunay na pag-ibig. Mapalad ang 1, 4, 22, 36, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Old rose at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sorpesa ang darating! Isang Aquarius ang biglang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ihanda ang sarili sa biglaang romansa. Maligong lagi at palitan na ang nagtututong na  underwear! Mapalad ang 5, 18, 23, 26, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Om.” Green at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—           Kung hindi ka makapili sa maraming option, huwag mag-alaala, ang kapalaran ang kusang pipili at sa bandang huli ang pinaka-the best na bagay, sitwasyon, nilalang o pangyayari ang siguradong mapapasa iyo. Mapalad ang 6, 18, 29,  30, 39, at 42. Mahiwaga  mong mantra: “Kaleneha-Manhata-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—              Dagdag na sipag ang dapat upang madagdagan din ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, sipagan ang pagte-text ng sweet message sa minamahal upang matuloy na ang inyong pagde-date.  Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Purple at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mahirap talagang mawalay sa pamilya subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mong naalala ang kasuyo, ganon din naman siya sa iyo. Sa araw ng bukas, may pangako ng masarap na romansa! Mapalad ang 3, 15, 30, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Gray at gold ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—             Iwasang mandaya. Ang pagiging tapat sa kausap ang magiging simula ng pag-asenso at pagyaman.  Sa pag-ibig, huwag pagtangkaang lokohin ang minamahal dahil sa bandang huli ay ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Om-Mohti.” Maroon at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—          Biyernes ngayon, araw ng Quiapo. Magsimba muna bago simulan ang anong gawain. Sa ganyang paraan, pagpapalain ka ni Lord. Sa pag-ibig hindi ka mabibigo habang sa aspetong pang pinansyal, lalo pang lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Yellow at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—    Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang kapalpakan ay pinagtitiyagaan ka pa rin niya. Magpasalamat na rin kay Lord dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok na pinagdaaan, matatag ka pa rin at kaya pang magpatuloy. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” White at blue ang  buenas.

Read more...