MAS matindi pala ang pinagdaraanang training ngayon ni Alden Richards para sa mga susunod na buwis-buhay scenes niya sa Victor Magtanggol.
Kasama rin ng Pambansang Bae sa nasabing training sina Andrea Torres at Pancho Magno.
Napakalaking tulong kapag mas nahasa sila sa fight scenes at tunts bago sumabak sa taping, “Sobrang efficient niya, sobrang nakaka-cut down ‘yung prep time and execution time whenever we are in taping. Tapos, mas napapaganda ‘yung movements rather than on the day mo lang siya maaral.”
Ngayon pa lang ay pinagpaplanuhan na ni Alden ang Christmas vacation ng kanyang pamilya, “Baka mag-abroad kami for the Christmas season, vacation. Tsaka sa mga upcoming projects next year. Du’n ako very excited.”
READ NEXT
Deeper forms of healing
MOST READ
LATEST STORIES