Veteran male singer iniwan na ng dyowang female celeb

By Cristy Fermin September 09,2018
share this

Veteran male singer iniwan na ng dyowang female celeb

By Cristy Fermin September 09,2018
share this


MATAGAL na palang nagkahiwalay ang isang kilalang female personality at ang isang sumikat na male singer nu’ng kanyang panahon. Maraming nag-aakala na pangmatagalan na ang kanilang relasyon.

Sa kanilang edad na lampas-lampasan na sa kabataan ay nakakatuwa silang tingnan na palaging magkahawak-kamay, naglalambingan, pero wala namang halong kahalayan.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsang um-attend sila sa isang party, e, sila ang naging center of attraction. Sa kanila nakapokus ang tingin ng mga nandu’n, kasi nga, palagi silang magkaangkla.

“Kundi nga alam ng mga nandu’n na sincere naman ang pagmamahalan nila, e, baka may mag-isip na para silang nagmumurang-kamias, dahil palagi silang nagyayakapan.

“Pa-kiss-kiss pa nga ang guy sa girlfriend niya, kilig na kilig naman ang girl, siyempre, dahil feel na feel niya ang love sa kanya ng sumikat na singer nu’n!

“Iba ang pagmamahalan nila, ipinaglalantaran nila ‘yun sa buong mundo. Bagay na bagay pa naman sila dahil pareho silang matalino, kaso, wala na pala sila ngayon,” simulang chika ng aming source.

Marami raw kasing pangarap ang female personality na naudlot. Marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay niya. Kailangan daw niyang isentro ang panahon niya sa mga gusto niyang gawin.

“Dapat nga, e, nasa tabi lang niya ang guy para may inspirasyon siya, di ba? Ganu’n dapat, pero iba ang naging decision ng girl, kailangan daw nilang maghiwalay ng boyfriend niya para makapag-concentrate siya sa mga pangarap niya.

“Nakakaloka, di ba? Sa edad nilang ‘yun, e, meron pa silang cool-off period? Wrangler na sila, pero may nalalaman pang ganu’n ang girl?

“Naging controversial nu’n ang girl dahil sa pakikipag-away niya sa isang kilalang politician. Palagi siyang napagkakamalang may sayad dahil nagsasalita siyang mag-isa, kahit wala naman.

“Ang boyfriend niya namang singer, e, napakaraming babaeng pinaluha dahil sa lakas ng kanyang charisma. Alam na alam ng buong bayan ang kanyang mga piyesa, promise, walang halong pagbabalatkayo ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, kaya siguradong hindi na kayo mauupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending