KMJS ni Jessica iimbestigahan ang talamak na kaso ng OSEC


NGAYONG Linggo ng gabi, ibabahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang isang special report sa talamak ngunit tila ‘di sapat na napag-uusapang kaso ng mga Online Sexual Exploitation of Children (OSEC).

Patuloy ang paglaki ng bilang ng OSEC cases sa bansa. Pilipinas nga raw ang pangunahing source, hindi lang ng obscene materials ng mga bata na kumakalat sa Europa, pati na rin daw ng mga menor de edad—kahit pa mga sanggol—na sangkot sa online prostitution.

Sa loob ng mahigit isang taon, sumama ang KMJS sa pagmamanman ng awtoridad at NGO para timbugin ang mga child sex offender sa iba’t ibang panig ng Pilipinas—mapa-dayuhan, mismong Pinoy, at maging mga magulang na pinagkakakitaan ang mga anak sa ganitong pamamaraan. Ibinahagi rin ng isang biktima ng OSEC kay Jessica Soho ang lagim na kanyang pinagdaanan at kung paano niya ito nalampasan.

Maselan ang paksa subalit ang masakit na katotohanan, ang pinakabiktima ay ang mga bata. Kaya sa espesyal na ulat na ito, kinomisyon ng KMJS ang Palanca Awardee at kilalang awtor ng mga kuwentong pambata na si Augie Rivera at ang children’s book illustrator na si Juno Abreu para lumikha ng kuwentong tumatalakay sa child porn na mauunawaan ng mga bata. Ang ginawa nilang istorya, nakatahi sa mga aktwal na pangyayari.

Abangan lahat ito sa number one program tuwing Linggo ng gabi, KMJS after The Clash sa GMA.

Read more...