Horoscope, September 08, 2018

By Madam Sophia September 08,2018
share this

Horoscope, September 08, 2018

By Madam Sophia September 08,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa kabila ng mga pagsubok, mas marami pang suwerte ang kasunod. Alalahaning malapit na ang Pasko. Ngayon pa lang subukan mo nang mag-ipon. Mas masaya ang Holiday Season kapag marami kang pera. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Aum-Sandhapa.” Green at blue ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin! Minsan hindi ka dapat na maging mayabang. Sa pag-ibig, makuntento sa kasu-yong Libra, masarap siyang magmahal at romomansa. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Birthday ngayon ni Mama Mary. Unahin ang pagsisimba kaysa sa lahat ng bagay. Sa ganyang paraan, pagpapalain ka ng langit at bibigyan ng maraming pang mga biyaya at mga pagpapala. Mapalad ang 6, 17, 29, 32, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra-Halka.” White at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — May makikipag-text, wag mo siyang “replayan” kung hindi siya isang Libra. Sa pinansyal, imbes na ubusin ang oras sa pagso-social media, mag-isip ng pagkakakitaan na may kaugnayan din sa Internet at modernong komunikasyon. Mapalad ang 5, 9, 22, 24, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Gayatri-Om.” Green at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansyal, mag-ingat, isang Leo na madakdak ang ra-racket sa iyo. Sa pag-ibig, mas masarap karelasyon ang mga matataba, sila ay tunay na mahihilig at sa kanila ka liligaya. Mapalad ang 6, 8, 28, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Araanam-Om-Kabalam.” Orange at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Itataas ka na naman ng lipunan. Ang problema kung paano ka magpapakumbaba upang hindi ka kaiingitan. Sa pag-ibig, awayin mo na ang lahat wag lang ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 5, 14, 23, 30, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Isarado ang bibig at manahimik! Sa pinansyal mas malaking halaga ang kikitain kung hindi ka na mamimintas at hindi ka na masyadong magdadadaldal. Sa pag-ibig, okey lang na may pagkukulang ang kasuyo, ganon ka rin naman – quits na kayo! Mapalad ang 7, 14, 25, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Labis ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya madali siyang magselos. Mamayang gabi, romansahin mo siya ng todo upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman ka. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Magenta at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang gamitin ang iyong likas na karisma, kung hindi maiiwasang makikipag-relasyon sa maling nilalang, dapat na magkapera ka. Sa pag-ibig, kung patuloy na magiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang buhay. Mapalad ang 5, 19, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuloy ang maunlad na buhay sa paspetong pagkakaperhana. Habang sa pag-ibig, tanging tadhana lamang ang makapagsasabi kung may ligaya pang naghihintay? Ngunit hindi dapat malungkot, may isang Aries na nanghihinayang sa iyo – sungaban mo na agad. Sa pinansiyal, di baling gumastos, basta ito ay para sayong ikaliligaya. Mapalad ang 1, 9, 18, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Maroon at black ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Baka di mo napapansin nao-over work ka na. Mag-libang, makinig ng musika habang upang lalo kang ma-relaks. Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, may babala na mapapahamak ka na naman! Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Veda-Aum-Puranha.” Purple at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kahit yumaman ka tandaang ang masarap na pagtulog ay hindi nabibili ng salapi. Sa pag-iibig, hindi matutumbasan ng anomang halaga ang pagmamahal na ipinapadama sa iyo ng kasuyo. Pag-uwi ng bahay, i-kiss mo siya at sabihing “I love you so much, Mahal!” Mapalad ang 4, 13, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om”. White at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansyal, kung pabago-bago ka ng desisyon paano ka yayaman? Pumirmis sa iisang layunin at iisang negosyo lamang. Sa ganayng paraan mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Red at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending