UAAP Season 81 aarangkada ngayon

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
12 n.n. Opening Ceremony
2 p.m. UP vs UE
4 p.m. NU vs UST

BIBIGYANG halaga ang mga manlalarong nakabilang sa mahabang kasaysayan ng liga bago magsimula ang bakbakan ng mga koponan mula sa mga pangunahing unibersidad ng bansa sa pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 men’s basketball tournament ngayong hapon sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ipapakita sa bitbit nitong tema ngayong season na “It All Begins Here” ang bahagi ng kasaysayan na babalikan sa season na ito ng UAAP kung papaano nagsimulang umangat ang marami sa mga matatagumpay na atleta ngayon ay nagsimula bilang student-athlete.

“Sports is indeed a great equalizer and an equal opportunity provider. But before we can reach the top of the mountain and breathe success, they must first start somewhere and to that we say—it all begins here,” sabi ni UAAP Season 81 president Nilo Ocampo ng host National University.

Ilan sa buhay na patunay dito ang ilang head coaches at assistant coach ngayong season na nagsimula bilang mga UAAP student-athlete tulad nina Olsen Racela, Bo Perasol at Don Allado.

Taong 1988 nang magsimula si Racela sa mundo ng basketball, naging bahagi siya ng varsity team ng Ateneo de Manila University.

Pumasok si Racela sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 1993 at nagretiro noong 2011.

Bumalik siya sa mundo ng basketball matapos siyang kunin bilang head coach ng Far Eastern University noong 2016 hanggang sa ngayon.

Magkakaroon muna ng opening ceremony sa alas-12 ng tanghali, pagkatapos ay sisimulan na ang bakbakan sa pagitan ng University of the Philippines Fighting Maroons at University of the East Red Warriors sa alas-2 ng hapon.
Magtatapat naman sa pangalawang laro ang NU Bulldogs at University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-4 ng hapon.

Read more...