Dingdong sure nang tatakbo sa Eleksyon 2019, pero... | Bandera

Dingdong sure nang tatakbo sa Eleksyon 2019, pero…

Cristy Fermin - September 08, 2018 - 12:15 AM

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

MISMONG misis na ni Dingdong Dantes ang naglabas ng kumpirmadong balita na kakandidato sa darating na halalan ang kanyang mister. Hindi pa nga lang alam ni Marian Rivera ang posisyong inaa-sinta ng aktor.

Ilang taon na ang nakararaan ay laman na ng mga balita ang pagpasok sa mundo ng pulitika ni Dingdong dahil binigyan siya ng posisyon ng dating pangulong Noynoy Aquino para sa mga kabataan.

Pero hindi raw, wala pa raw sa kanyang isip ang pagiging pulitiko, tumutulong daw siya sa ating pamahalaan. Pero ngayon ay ang kanyang misis na ang kumumpirmang makikilahok na siya sa eleksiyon sa susunod na taon.

Walang problema, sensitibong mamamayan si Dingdong Dantes, isa siya sa mga personalidad na kakikitaan mo ng malasakit sa ating bayan. Hindi rin siya nasangkot sa anumang bisyo, tumutulong pa nga siya sa pagpapalaganap ng mensaheng walang nagagawang mabuti ang droga sa kahit sino, maganda ang imahe ng aktor.

Kung sa mabilisang paghusga ay malaki ang posibilidad na ipananalo ni Dingdong Dantes ang laban sa darating na eleksiyon, pero dumadaan ‘yun sa proseso ng botohan, kailangan niya munang manligaw sa mga kababayan natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending