Kung mabuti ang intensyon mo, magwawagi ka pa rin! – Glaiza

By Ervin Santiago September 08,2018
share this

Kung mabuti ang intensyon mo, magwawagi ka pa rin! – Glaiza

By Ervin Santiago September 08,2018
share this

GABBY EIGENMANN AT GLAIZA DE CASTRO

ISANG  pasabog na finale ang mapapanood sa Kapuso Afternoon Prime series na Contessa na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro. Sinubaybayan ng milyun-milyong viewers ang kuwento ni Contessa mula noong makulong siya sa salang hindi naman niya ginawa hanggang sa kanyang paghihiganti sa lahat ng nang-api sa kanya.

“Hindi ko makakalimutan yung transition ni Bea to Contessa dahil isa siyang magandang symbolism na we can always redeem ourselves kahit ilang beses tayong nasaktan o nagkamali,” ani Glaiza.

Through her fierce character, she hopes to have inspired the viewers that forgiveness is more powerful than revenge, “Kagaya ni Contessa, ilang beses ka man subukang pabagsakin, kung mabuti ang intensyon mo, magwawagi ka pa rin. Hindi paghihiganti ang sagot sa mga taong nanakit sa ‘yo kundi pagpapatawad.”

At ngayon ngang tatapusin na ang serye, alamin kung makamit pa ni Contessa ang inaasam na hustisya.

May naghihintay pa kayang maganda at tahimik na buhay para sa pamilya Imperial na nagpahirap nang todo kay Contessa? May pag-asa pa kayang magbago ang mala-demonsyong kasamaan nina Duquessa (Gabby Eigenmann) at Daniella (Lauren Young)?

Sa direksyon ni Albert Langitan, abangan ang finale episode ng Contessa ngayong hapon pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending