Mag-asawa pinagtataga, inilibing | Bandera

Mag-asawa pinagtataga, inilibing

|September 07,2018
facebook
share this

Mag-asawa pinagtataga, inilibing

- September 07, 2018 - 05:48 PM

NATAGPUANG patay ang mag-asawang magsasaka sa Pinukpuk, Kalinga, matapos pagtatagain at ilibing pa malapit sa kanilang bahay ng isang militiaman, iniulat ng pulisya Biyernes.

Nakilala ang mga biktima bilang sina Basiano Madayag at ang misis niyang si Irene, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Rafael Madayag, 51, kapatid ni Basiano at miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit.

Naganap ang insidente sa Sitio Sagongab Palong, Brgy. Taggay, Martes ng umaga, ngunit Miyerkules lang naiulat sa lokal na pulisya.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na habang nagluluto ng almusal ang mga biktima’y naka-alitan nila si Rafael.

Kasunod noo’y hinabalos ng suspek ng kahoy na silya ang ulo ng mga biktima at sila’y pinagtataga, ayon sa ulat.

Nang mapatay sina Basiano at Irene ay isinilid sila ni Rafael sa sako at inilibong 60 metro lang mula sa kanilang bahay, ayon sa pulisya.

Agad hinanap ng mga pulis si Rafael nang malaman ang insidente, kaya ito nadakip.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending