Palasyo itinangging mga aktibong militar suportado si Trillanes | Bandera

Palasyo itinangging mga aktibong militar suportado si Trillanes

|September 07,2018
facebook
share this

Palasyo itinangging mga aktibong militar suportado si Trillanes

- September 07, 2018 - 05:33 PM

ITINANGGI ng Palasyo ang pahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV na may mga aktibong militar ang sumusuporta sa kanya na posibleng magresulta sa panibagong Edsa uprising.

“Siguro po, guni-guni niya iyan, good luck po, dahil siya naman napakatagal na niyang naging senador, wala naman siyang nagawa para sa mga kasundaluhan natin. Si Presidente, dalawang taon pa lang nakaupo bilang Presidente, nadoble na niya ang sweldo ng ating mga kasundaluhan,” sabi ni Roque sa isang briefing sa Jordan.

Idinagdag ni Roque na kampante ang Palasyo na nananatiling buo ang suporta ng militar sa administrasyon.

“Kaya nga po kampante kami dahil sa pinakitang pangangalaga ng Presidente sa mga kasundaluhan, eh baka nananaginip po si Senator Trillanes na maraming sasama sa kaniya,” giit ni Roque.

Kasabay nito, ibinasura ni Roque ang hamon ni Trillanes na i-live ang gagawing paghuli sa kanya.

“Naku, hindi po kami sasapi sa drama ni Senator Trillanes. Mag-drama na lang po siyang mag-isa,” ayon pa kay Roque.

Itinanggi rin ni Roque na nahaharap sa krisis ang administrasyon matapos namang magpatawag ng pulong ng Gabinete si Duterte sa Jordan.

“Hindi naman po krisis ‘no, ako po ay isa doon sa… I understand two Cabinet members who asked to speak on the President on the Trillanes issue. My only concern was, baka hindi naman naririnig ang gobyerno, kasi ako mismo, as spokesperson was here and I have very limited opportunity to comment on the matter,” dagdag ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending